Babaeng may napakabihiring phobia, nagamot sa pamamagitan ng hypnotherapy!
Sa Inglaterra, isang 19-year-old na babaeng may napakabihirang phobia ang nagamot ng hypnotherapist na si Peter Field.
Gaano kabihira ang phobia na ito? Ang karamihan sa atin ay may mga tipikal na takot sa mga ipis, daga, gagamba, at iba pa. Pero si Jade Marshall, ay takot sa mga…stickers.
Sa sobrang pagkabihira ng kanyang phobia, ay binigyan ito ni Mr. Field ng pangalan: pittakionophobia.
Ayon kay Jade, ang phobia niya sa mga stickers ay nagsimula noong siya ay seven years old, noong nag-overnight siya sa bahay ng kaibigan. May mga sticker na nakadikit sa kama ng kaibigan niya, at ayaw ni Jade na matulog malapit sa mga marurumi, luma at medyo natatanggal nang mga sticker, kaya sa sahig siya natulog.
Noong una ay walang naniwala sa kanya, kahit na sarili niyang pamilya. Pero lalo lang lumala ang phobia ni Jade, na hindi na makapag-shoping dahil ninenerbiyos siya sa mga price tags at size stickers. Nahirapan din siya sa kanyang trabaho sa isang nursery, dahil mahilig magdala ng sticker ang mga bata. Hindi rin makapagbalot o makapagbukas ng regalo si Jade dahil sa kanyang phobia.
Pero salamat kay Peter Field, ay para sa kauna-unahang pagkakataon mula noong siya ay seven years old, ay maari nang mamili, mamigay at tumanggap ng regalo si Jade! Yay!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user... Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subs... Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/To...
Show less